SA generation namin (Generation X na ipinanganak between 1965 and 1979/80 at currently nasa edad 41 to 56 years old) ay nasa dalawang estado lang ngayon: Either lunod sa trabaho or health buff.
Dahil nga siguro marami sa amin ang pushing 50s na, tapos ang nakikitang ka-henerasyon gaya nina Ina Raymundo, Alice Dixson and Diether Ocampo, ay puro mukhang bata pa rin.
Oo nga, mga artista mga iyan e, may mga image or appearance na dapat talagang pangalagaan nang bonggang-bongga. Pero, paano naman kung isa lang tayo sa mga ordinaryong tao?
Saklap isipin na kung dati-rati, kering i-enjoy ang pagkain ng crispy pata at chocolates, bakit ngayon may red flags na. Kung hindi mataas ang blood sugar mo, high blood ka naman!
Here are tips para maalagaan natin ang ating kalusugan, especially kung papasok na tayo sa “golden age”.
1. Exercise
Hindi naman kailangan magbayad sa gym. Napakaraming videos sa YouTube, TikTok at Reels para makapag-exercise. Maaring 30 minutes a day, pwede na! Yung 15-minute walk araw-araw ay malaking tulong na sa iyong kalusugan.
Alam mo ba na ang benepisyong maibibigay ng paglalakad ay nakakapagpababa ng risk ng high blood pressure, heart disease at diabetes. Napalalakas din nito ang iyong bones and muscles at makakatulong para makapag-maintain ng tamang timbang.
2. Keep hydrated
Uminom ng tubig palagi. Maximum na 2 liters ng tubig ang kailangan upang mapanatiling hydrated. Sa mga ladies, gusto nyo na hindi dry ang skin at sa “alam mo na”, proper hydration is the key! Drinking enough water will get rid of wastes.
3. Fiber-rich food
Kumain ng mas maraming fiber food gaya ng mga gulay at prutas, salads, oatmeal, granola, brown rice kung kinakailangan. Para mamaintain natin na cholesterol-free, isama natin ang fiber sa ating diet, kasabay ng proper hydration.
4. Improve skin care
Sa mga kababaihan, mapapansin nyo na madali nang mag-dry ang skin mo. Try mo pagkatapos maligo ay magpahid ng body oil, then pat dry. Afterwards, mag-lotion ka. Kasi habang tumatanda na tayo mapapansin mo na yung legs mo pag makati na walang dahilan, ibig sabihin dry ang balat mo. Sa facial skin, look for a moisturizer na angkop sa balat mo na may niacinimde or kung pwede, facial oil!
5. Improve mindset
Huwag nang mag-entertain ng negativity, lalo na iniisip natin na ang idad natin ay marami nang limitations. We can still do so much. Mga wisdom natin based on our experience. Huwag lang tayo maging mayabang.
Sana makatulong itong tips na ito sa mga “golden” girls and boys. Till our next column.