INAMIN ni Markus Paterson na ang tipo niyang babae ay morena na may island girl vibe.
Sa latest Boys After Dark podcast, sinabi ni Markus na mas intersado siya sa mga brown-complexioned girls.
“Type ko kasi talaga yung morena na island girl yung vibe,” aniya.
Hindi naman binanggit ng kontrobersyal na ex ng aktres na si Janella Salvador kung morena ang kanyang “the one who got away.”
Aniya, bago nagpunta ng Pilipinas ay mayroon siyang nakarelasyong babae nang tatlong taon.
“(But) at the end of the day, if she got away then she wasn’t the one. You would have fought to the ends of your capability to keep her in your life. There’s no ‘one’ for anyone,” paliwanag niya.
Matatandaan na naging kontrobersyal si Markus makaraan niyang ideklara na isa sa mga natutuhan niya ay buhay ay “Never (expletive) date someone from the industry.”