SA 20 bilyonaryo sa Pilipinas, siyam o 45 porsyento ay may lahing Tsino, ayon sa Global Rich List ng Hurun Report.Isa sa mga pinakamayayaman ang pamilya Sy, ang ika-10 sa Asia’s richest ayon sa Bloomberg at Forbes. Mayroon silang total net worth na $19.7 bilyon.Ang pamilya ay pinamunuan ni Henry Sy na tumira sa Pilipinas noong 1930s mula sa Xiamen, China.Kabilang pa sa siyam ang mga sumusunod: pamilya Gokongwei ($4.1B), Andrew Tan ($2.3B), Lucio Tan ($2.2), Ramon Ang ($2B), Tony Ang Caktiong ($1.9B), Lucio at Susan Co ($1.7), at magkakapatid na Ty ($1.4B).