SA kauna-unahang pagkakataon, tumanggap ng puso mula sa baboy ang isang 57-anyos na lalaki na may life-threatening heart disease.
Ang heart transplant ni David Bennett Sr. ng Maryland, ay nangyari sa University of Maryland Medical Center sa Baltimore, USA. Sinasabing isang breakthrough ang nasabing operasyon na magbibigay tsansa sa maraming pasyente na may dumaranas na organ failure.
Ito ang kauna-unahang matagumpay na operasyon ng paglilipat ng puso ng isang baboy sa tao.
Tumagal ang operasyon ng walong oras at ngayon ay nasa maayos na lagay ang pasyente.
“It creates the pulse, it creates the pressure, it is his heart,” ayon kay Dr. Bartley Griffith, ang direktor ng cardiac transplant program n.
“It’s working and it looks normal. We are thrilled, but we don’t know what tomorrow will bring us. This has never been done before,” dagdag pa ng doktor.