3 bata, 3 iba pa sugatan sa pagsabog ng bus sa Cotabato

TATLONG bata at tatlong iba ang nasugatan matapos sumabog ang isang bus sa barangay San Mateo, Aleosan, Cotabato Martes ng umaga.

Isang improvised bus ang sumambulat sa Mindanao Star Bus alas-8 ng umaga.

Ayon kay Col. Henry Villar, hepe ng Cotabato Police, patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang nangyaring pagsabog sa bus na sana ay patungong Davao City.

Napag-alaman na itinanim ang bomba sa likod na bahagi ng bus na may body number na 155.