MARAMING natuwang empleyado sa isang panukala na nagbabawal sa mga employer na tawagan at usisain ang kanilang mga manggagawa sa oras o araw ng kanilang pahinga.
Sa ilalim ng House Bill 10717 or “Workers’ Rest Law” na isinusulong ni Laguna Rep. Joaquin Chipeco, ay nagdedetalye anong ibig sabihin ng rest day ng mga manggagawa’t empleyado.
Sakaling maging batas, aatasan nito ang mga employers, managers at iba pang gaya nila na kontakin ang kanilang mga empleyado at bigyan ng trabaho o mag-duty sa panahon ng kanilang rest hours.
Tinutukoy ng panukala ang rest hours bilang “any period other than the hours of work.”
Sa ilalim ng Labor Code of the Philippines, ang normal na working hours ay hindi dapat lalagpas sa walong oras kada araw.
Sa panukala, hindi maaaring utusan ang empleyado ng kanilang mga boss pagkatapos ng 8-hour niyang trabaho, maliban na lamang kung pumayag ang manggagawa.