Di matanggap sa trabaho? Alamin 5 tips para makatulong sa pag-aaplay

MARAMING pagkakataon na nakakapag-isip tayo kung bakit hindi tayo nakukuha sa trabahong ina-aplayan natin. Sa ating palagay, kwalipikado naman tayo sa kumpanyang nais nating maging parte tayo.

Ngunit ano pa nga ba ang kulang?

Narito ang limang tips na maaring makatulong sa iyong pag-aaplay:

1. Aralin ang kumpanyang papasukan; fit ka ba rito?

Pag-aralan ang tungkol sa kumpanyang papasukan, at kung ito ba ay fit sa iyong skills at personality.

Bago magsumite ng iyong aplikasyon, maiging mag-research tungkol sa kumpanyang iyong gustong pasukan: ilan ang empleyado nito, ilang taon na sila sa industriya, ano mga benepisyong naibibigay sa mga tauhan, at ang kanilang kultura. Kung sa palagay mo ay fit ang iyong personality at meron kang skills na makakatulong sa kanila, then go ahead at apply!

2. Mag-aral pa at mag-update ng iyong skills

Habang wala pang nakukuhang trabaho, at kaya pang suportahan ng iyong magulang, humanap ka ng training para ma-upgrade pa ang skills. Marami rin libre na mapapanood sa Youtube – i.e. basic English communication skills, personality development, mathematical skills, atbp)

3. Mag-aral mag-drive, kumuha ng driver’s license.

Isa sa mga advantage ay ang tinatawag na “mobility”. Kung hindi man ito kailangan sa magiging trabaho mo ngayon, maaring ito ay magiging asset mo sa susunod mong career. Malay mo, pag nagkaroon na ng trabaho abroad, hindi ka na mahihirapan sa mga commutes dahil kung eligible ka for an international driver’s license, may chance na makakabili ka pa ng iyong sasakyan!

4. Hold your tongue. Think before you click.

May mga employers ngayon na nagche-check ng mga social media accounts ng mga aplikante sa tingin nila ay interesante. Sinisipat nila ang kanilang profile para malaman ang kanilang social activities, mga thoughts at mga comments at post sa mga certain issues na nangyayari sa ating bansa, o di kaya sa ibang bansa.

Kaya dapat maging discerning sa mga sine-share na mga posts, at mga salitang iyong binibitawan sa panunulat. Maigi rin na wag magra-rant, kung ikaw ay nakaalis na sa “unfavorable” company kung saan dati kang nagtratrabaho, dahil maaring ito ay magiging sanhi na ikaw ay hindi mapipili sa trabaho. “Bad mouthing” is not a good idea.

5. Attitude, not the skills ang basehan para matanggap sa unang trabaho

Maging flexible, amiable at smart. Hindi palaging ia-outwit or ia-outsmart ang iyong mga seniors sa trabaho dahil mas fresh ang iyong ideas sa trabaho. Bagkus, maging isang maayos na “protege”. Maaring mas magaling ka sa kanila sa palagay mo, ngunit hindi naman sila mapropromote kung hindi sila nag-perform nang maayos at nag-exceed sa kanilang performance sa work. Mamulot ng mga good qualities nila sa trabaho at pakikitungo nila sa kanilang team.

That’s it! Nawa’y makatulong pa rin sa mga naghahanap ng trabaho diyan ang artikulong ito. Kung may iba pa kayong katanungan tungkol sa paghahanap ng trabaho, lokal man o abroad, maari kayong magpadala ng mga katanungang sa amin.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]