UMAASA ang publiko na magkaroon din ng mga cherry blossoms festival sa Pilipinas gaya ng sa Japan at sa United States.
Hindi naman malayong magkatotoo ito kung bibigyan ng sapat na pag-aaral para mapalago sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ang salinggogon, isang Philippine-native flowering tree na kapareho ang itsura ng puno at bulaklak ng cherry.
Ang salinggogon o cratoxylym formosum, ay umaabot ng hanggang 35-taas at matatagpuan sa matataas na lugar.
Matatagpuan ang mga puno nito, na may may mga bulaklak na gayang-gaya ng sa cherry, sa Masungi Georeserve sa Baras, Rizal.
Makikita rin ito sa mga gubat ng Bulacan, Polilio, Mindoro, Guimaras, Negros, at Mindanao.
Ayon sa mga namamahala ng Masungi Georeserve, todo ang ginagawa nilang pagbabantay sa mga puno ng salinggogon.
“We implement enhanced and constant forest enforcement on the ground. This includes the patrolling and monitoring performed by our forest rangers in our reforestation site,” ayon sa kanila.
“Our team is also in close contact with scientists and botanists, such as those from the UPLB Museum of Natural History, who provide research and technical support to our team,” dagdag nila. –A. Mae Rodriguez