TINANGGAL ng TikTok ang mahigit pitong milyon accounts ng mga users na may edad 12 pababa sa unang tatlong buwan ng taon.
Ayon sa sikat na social media operator, inalis din nito ang 62 milyon videos na lumabag sa community standards tulad ng “hateful” content, nudity, at harassment.
Sinabi ng Chinese-owned app na mayroon itong ginagamit na paraan para mamonitor ang mga users na hinihinalang nagsisinungalig sa kanilang edad.
Sa US, pinalilipat ang mga may edad 12 pababa sa “TikTok for Younger User.”
Pinaniniwalaan mayroong isang bilyong users ang TikTok sa buong mundo.
Maliban sa mga bata, winalis din ng TikTok ang accounts ng aabot sa apat na milyong users dahil sa paglabag sa guidelines ng app.
“Our TikTok team of policy, operations, safety, and security experts work together to develop equitable policies that can be consistently enforced,” ayon dito.
“Our policies do take into account a diverse range of feedback we gather from external experts in digital safety and human rights, and we are mindful of the local cultures in the markets we serve,” dagdag ng kumpanya.