5 tips na dapat tandaan kung gustong magtrabaho sa Canada

MARAMI ang na-disappoint sa resulta ng May 9 elections. At marami rin sa kanila ang tila nagkaroon ng direksyon na mangibang-bansa gaya ng Canada.

Sa katunayan nga, yung isang agency sa New Manila, Quezon City ay dinayo ng halos 1,000 aplikante para sa job opening sa isang fastfood kahit na ang announcement ay 500 stubs lang ang ipamimigay!

Bugso ba ito talaga ng mga gusto nang umalis ng Pilipinas dahil uupo na ang bagong lider ng bansa? Tumaas ang inquiry kung pano mag-migrate sa Canada sa pamamagitan ng “work permit application” or “Migration Program”.

Kaya nga, sa mga nagpaplanong sumubok sa Canada, narito ang ilang tips. Pwedeng i-copy and paste para meron kayong guide:

1. Maghanap ng legitimate na POEA-licensed agency

May mga agencies na makikita mo na talaga na may job order sa Canada at tawagan sila kung ang mga job orders nila ay active pa o hindi, dahil ang job order na isinusumite sa POEA ay valid for one year.

I-click ang link na ito para malaman ang mga job order – www.dmw.gov.ph/cgi-bin/JobVacancies/jobsMenu.asp

2. Documentary requirements

Yung article ko tungkol dito ay pwede nyong i-click para mapaghandaan ang mga papeles o dokumento. I-process na ng mga ito hangga’t Alert Level 1 pa upang mai-ready na.

Read: https://pinoypubliko.com/life/gustong-magtrabaho-sa-abroad-5-dokumentong-dapat-ihanda/

3. Check mo ang iyong resume or CV

Kailangan na detalyado ang iyong resume or Curriculum Vitae. Mas mainam na ilagay ang job description sa bawat trabahong iyong ginawa. Hindi manghuhula ang mga recruiter na kakayanin mo ang inaplayan mong trabaho kung wala ka naman experience. Tandaan nyo, kung ang katwiran nyo ay “i-tre-train naman ako dun” ay di mas maigeng kumuha na lang sila ng mga Canadians o di kaya mga nandun na mga Pinoy para magtrabaho!

4. Mind the employment gap (dapat 1 year lang for Canada)

Para maging successful ang work permit application at submission sa Immigration, Refugees and Citizenship Canada or IRCC, dapat ang employment gap mo mula sa trabahong inaaplayan mo ay at least 1 year.

Katulad ng kung ikaw ay isang Welder, dapat ang huling trabaho mo as Welder ay May 2021. Hindi acceptable na ang huling experience mo ay 2020 pababa dahil malaki ang tsansa na mareject ang iyong work permit application.

5. Magplano sa pagpunta sa mga agencies. Mas maiging tawagan at puntahan ito. Huwag magtitiwala sa mga nagsasabing sila ay connected sa isang agency or Canadian Immigration pagkatapos ay hihingi ng karampatang fee para sa process.

Maraming Faceboook page ang mga nagpapanggap na sila ay legitimate recruiter or Canadian immigration officer at hihingian ka ng bayad sa pamamagitan ng GCash, Western Union, o kung ano pang payment platform or mobile app.

Ang Canada Work Permit application via POEA-licensed agency ay walang bayad sa mga pagpra-process ng papeles at wala itong payment slot or placement fee.

Normally, sa ibang agency, sasagutin mo ang medical examination mo at iyon ang paghandaan mong gastusan, lalo na kung ikaw ay may tattoo (me separate payment ito on top of the medical examination).


Ayan! Sana makatulong sa inyong Canadian dream. Until our next issue!


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]