ISA ka ba sa dumaranas ng gouty arthritis?
Ang gout ay pamamaga ng kasukasuan. Kadalasan, ang epekto nito ay hinlalaki sa paa at ang iba naman ay sa mga kasukasuan sa kamay at tuhod. Ito ay resulta ng mataas na uric acid na nakukuha mula sa mga pagkain gaya ng red meat, laman-loob, seafood, at maging ang mataas na pagkonsumo ng alcohol.
Kung isa ka sa mga may mataas na uric acid, narito ang limang pagkain at inumin na dapat isama sa iyong diet.
1. Saging
Kumain ng saging kada araw para mapababa ang uric acid sa iyong dugo at para makaiwas sa gout attack. Bukod dito, marami pang tulong ang maibibigay sa iyo ng pagkain ng saging.
2. Mansanas
Sabi nga nila “an apple a day keeps doctor away,” is perfectly true. Dahil sa kanyang dietary fibre content, nababawasan nito ang uric acid level sa iyong katawan. Ang fibre kasi ang nag-aabsorb ng uric acid sa ating bloodstream.
3. Kape
Cheers sa mga mahilig sa kape! Ayon sa pag-aaral, ang pagkonsumo ng kape ay nakakabawas sa pagkakaroon ng gout. Gayunman, kung may iba ka pang health condition, mabuting ipaalam muna sa doktor kung ang kape ay bagay sa iyo.
4. Citrus fruits
Gaya ng orange, ponkan, lemon at kalamansi ay mayaman sa Vitamin C at citric acid na makakatulong sa iyo para magkaroon ng maayor na uric acid level sa katawan. Ang mga prutas na ito ang nagtataboy sa sobrang uric acid.
5. Green tea
Hindi lang siya maigi para sa weight loss, maigi rin siya para mapababa ang iyong uric acid sa katawan. Kaya imbes na uminom ng mga caloric drinks, inom ka na lang ng green tea!