MALAKI ang benepisyo na naidudulot ng 4-day work week sa mga empleyado, ayon sa isang pag-aaral na inilabas nitong Lunes sa London.
Ayon sa isinagawang research ng non-profit group na 4-Day Week Global and think-tank Autonomy, malaki ang naitutulong ng reduced-hour at output-focused working na siyang prinsipyo ng ipinatutupad na 4-day work week sa maraming kompanya.
Dahil dito, mas maraming kompanya sa London ang nais itong ipagpatuloy dahil mas nagiging progresibo ang kanilang mga empleyado.
Ayon sa pag-aaral, nag-improve ang kalusugan at ang kabuuang well-being ng mga empleyado, habang bumaba naman ang rate ng stress, burnout at fatigue sa kanilang hanay. Malaki rin ang ibinaba ng problema sa pagtulog ng maraming empleyado.