SuJu nagluluksa sa pagpanaw ng tatay ni Eunhyuk, concert postponed

KASABAY ng pagbuhos ng ulan ay ang pagbugso ng emosyon na nararamdaman ng PH ELFs. 

Nakatakda sanang magconcert ang 2nd generation KPOP group na Super Junior sa Mall of Asia Arena nitong Satuday, August 6. Ngunit dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari ay napagdesisyunan ng grupo at organizers na ipostpone muna ang Super Show 9 in Manila. 

Naunang inanunsyo noong Miyerkules na hindi makakasama sa Manila leg ng kanilang concert ang member na si Siwon matapos itong magpositive sa COVID-19. 


Kahapon naman bago lumipad ang iba pang Super Junior members mula Korea papuntang Manila ay kapansin-pansin sa mga video mula sa fansites ang biglaang pagka-aligaga ng kanilang leader na si Leeteuk. Napuna rin ng fans na hindi kasamang pumasok ng airport ang miyembrong si Eunhyuk at tila nananatiling balisa ang natitira pang mga miyembro. Kalaunan ay ibinalita ng Label SJ, agency ng Super Junior, ay pagkamatay ng tatay ni Eunhyuk at hindi nito pagsama sa SS9 in Manila. 

Labis na ikinagulat at ikinalungkot ng fans ang balita. Kilala ang tatay ni Eunhyuk na napakasupportive sa career ng anak. Matatandaan na lumabas din ito sa ibang shows na kasama si Eunhyuk at namataang nanonood ng concerts ng anak kaya naman tuwang-tuwa ang fans sa kanya. 

Sinalubong naman ng PH ELFs ang mga miyembro ng SuJu sa NAIA kagabi habang naghihintay kung matutuloy pa nga ba ang concert sa dami ng kaganapan. Marami ang nagpahayag na ipagpaliban na lang muna ang concert upang makalipad na ulit ang SuJu pabalik ng South Korea at madamayan ang kanilang kaibigan sa oras ng pagdadalamhati. 

Sa kanilang tweet kaninang tanghali ay inanunsyo ng Label SJ ang postponement ng concert ngayong araw ngunit sinabihan pa rin ang fans na mayroong ticket na magtungo sa venue dahil sa pagnanais ng SuJu members na personal silang batiin. 

Emosyonal na hinarap nina Leeteuk, Donghae, Yesung, Shindong, Ryeowook, at Kyuhyun ang fans habang humihingi ng dispensa dahil sa pagkaantala ng show. Pinilit pa ring magperform ng grupo sa kabila ng mabigat na emosyon sa paligid. Kinanta nila ang “My Wish”, “Callin'” at “More Days With You” bago tuluyang magpaalam pansamantala sa fans. 


Laking pasasalamat ko at sobra-sobrang pang-uunawa ang binigay ng PH ELFs sa grupo kahit na mayroong mga nanggaling pa sa malalayong lugar para lamang dumalo sa concert. Naglagay rin ang mga ito ng itim na ribbon sa kanilang lightsticks bilang tanda ng pakikisimpatya sa nawalang kapamilya ng kanilang idolo. 

Naunang sumikat ang SuJu sa Pilipinas dahil sa kanilang kantang “Sorry, Sorry”. 

Maghihintay kami sa inyong pagbabalik, SuJu!