UMABOT na sa 900 million views sa YouTube ang music video ng “Ice Cream” ng K-pop gir group na BlackPink.
Ayon sa agency ng grupo, panibagong milestone ang naitala ng “Ice Cream” simula nang ilabas ang video noong Agosto 2020.

Ang “Ice Cream,” featuring Selena Gomez, ay bubblegum pop track ng BlackPink’s “The Album” noong 2020.
Sa debut ng nansabing kanta, pumuwesto ito sa ika-13 sa Billboard’s main singles chart.
Bukod sa “Ice Cream”, nakapagtala na rin mahigit sa 900 million views ang grupo para sa iba nilang kanta. Ang “Ddu-Du Ddu-Du” ay meron 2.1 billion views habang “Kill This Love” ay nakapagtala naman ng mahigit sa 1.9 billion views.