Serving soon: Cultured beef rice, a Korean breakthrough

GALIT ka rin ba sa kanin pag kumakain ka?

Mahilig kang umorder ng combo rice meal para tipid na, yummy pa?

Kung ganun, para sa iyo ang bagong developed na hybrid rice na ito ng food scientists ng Yonsei University sa Republic of Korea o mas kilalang South Korea. 

Ang inimbento nila – cultured beef rice.

Ibig sabihin,  yung future kanin mo, meron nang beef meat nakahalo sa mga butil. 

Combo meal, complete meal na. 

Alternative ito sa traditional rice na kinakain natin at base sa laboratory results,  mas pinalakas ang
nutritional value.

Ibig sabihin,  mas level up breed ito kesa  sa sinandomeng, dinorado o angelica popular rice varieties.

Kalalabas lang ng results ng matagumpay na breakthrough rice experiment na ito February 14, sa scientific journal, Matter.

Ano itsura at lasa? Hindi ba mutant monster rice at hindi rin ba yucky?

Kalma.

Kwento ni First Author Sohyeon Park, chemical engineer sa Yonsei University, pinkish ang kulay ng lab-grown beef at  lasang “nutty and a little sweet.”

Ayon sa mga researcher,  walang genetic modification na ginawa kaya hindi ito genetically modified organism (GMO) dahil isiningit o itinanim ang beef cells sa loob ng butil.

Ang sistema:  pinahiran ng fish gelatin  at enzymes ang rice grains para dumikit ang cow muscle at fat stem cells.

Tutubo o lalago ang meat cells pagapang sa loob ng mga butil in  9 to 11 days.

Ang bagong harvest – may 8 percent mas maraming protein,   at 7 percent mas maraming fats kesa traditional o regular rice. Busog-lusog. Lol!

Kung kayo ay adik  sa mabangong sinaing, wala rin yang panama sa hybrid rice meat na ito.

Lumabas sa experiment,  ang bigas na mas maraming muscle content ay amoy baka at almonds, samantalang ang bigas na mas mataas ang fat content, amoy cream, butter at coconut oil. Appetizing.

Ano pa ibang inaasahang pakinabang?

Ang claims ng mga scientist, itong cultured beef rice ay potential solutions sa maraming problema sa food production.

Una, mababawasan ang environmental impact. 

Halimbawa, ang mga baka ay kailangan ng ekta-ektaryang pasturelands na nagsisingaw ng 100 millon metric tons ng methane sa hangin (emissions) o sa atmosphere.

Kumpara sa traditional beef production, ang cultured beef rice ay mangangailangan lang ng konting land, water at energy resources. 

Dahil dito, mababawasan ang greenhouse gas emissions, pagkasira ng lupa pati konsumo sa tubig.
Pangalawa, animal welfare.

Ang laboratory-grown beef rice ay hindi mangangailangan ng pag-aalaga at pag-slaughter ng mga baka kaya maiiwasan ang ethical concerns tulad ng pagpapahirap o pagmamaltrato sa mga hayop.

Pangatlo, tulong sa kalusugan.

Ang lab-grown beef ay hindi gumagamit ng antibiotics o hormones para lumaki.

Dahil dito, maiiwasan ang pangamba sa antibiotic resistance at mga peligro ng mga sakit kakambal ng cattle-raising.

Pang-apat, proteksyon at pangangalaga sa biodiversity. 

Kadalasan, ang big-time cattle farming ay nagdudulot ng deforestation at pagkasira ng biological habitat.

Dahil dito,  ang lab-grown beef rice ay makababawas sa pressure sa ecosystem dahil nga walang pangangailangan ng malawak na livestock land.

Panglima at strategic, food security.

Sa gitna ng lumolobong world population, potensyal na solution ang cultured beef rice sa mabilis at tuloy-tuloy na production ng affordable protein na magagawa sa controlled environment.

Immediate to long-term sagot din ito sa food crisis lalo na pag may gyera tulad sa Gaza,   o food shortage (real and artificial)  tulad sa Pilipinas sa panunungkulan ni Marcos Jr,  at iba pang emergency situation tulad ng pandemic, El Niño, La Niña, volcanic eruption, super bagyo like Yolanda at flooding tulad sa Davao (ehem,  Pulong Duterte, wala ka pa ring sagot kung nasaan na ang P51.829 billion budget na hinatag sa imo?)

Higit pa sa staple food, rice is life ng mga Pinoy. 

Agahan, tanghalian at hapunan at minsan merienda, kasama ang kanin sa pagkain. 

Plus food culture na combos.

Barring critical impact na maaaring magkaron,  ang cultured beef rice ay pwedeng model sa laboratory  production ng iba pang combo rice meals tulad ng bangus rice breed? Lol! 

We can never tell, ang mga ideya ay pwedeng maging reality,  all in the name of sustainable humanity.