Sam Milby nagulat sa diabetes diagnosis

IKINAGULAT ng aktor na si Sam Milby nang malamang mayroon siyang Type 2 diabetes.

Sa Instagram post, sinabi ni Sam na sana ay nagpa-checkup siya noong pre-diabetes pa lang para naagapan niya ang sakit.

“I’ve always thought of myself as a healthy person. I don’t have a sweet tooth, bihira din mag junk food, pero last year I found out na may type 2 diabetes na ako,” sabi niya.

Ayon sa aktor, wala sa lahi nila ang nasabing sakit. 

“My parents and grandparents never had it,” aniya. “I just wish I got checked up earlier nung pre diabetes pa.”

Pinayuhan niya ang publiko na huwag isawalang-bahala ang mga sintomas at regular na magpatingin sa doktor.

“My main symptoms – always thirsty and urinating often,” wika niya.