RT-PCR TEST, ISOLATION FACILITY, PASOK SA PHILHEALTH COVERAGE

Nais ni Pangulong Duterte na lawakan pa ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang insurance coverage ng mga miyembro nito.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nais ng pangulo na isama pati ang RT-PCR test at ang paglagay sa isang pasyente ng coronavirus sa isolation facility sa coverage ng PhilHealth para sa mga Covid- 19 patients.

Sa kasalukuyang, ang tanging pasok lang sa coverage ng PhilHealth ay yung mga na-confine na Covid-19 patients at hindi kasama rito ang pagpapatest at kung sakaling malagay sa isolation facility ng isang ospital.

“The President directed PhilHealth to include in its insurance coverage RT-PCR tests, isolation in accredited community isolation units and hospitalization for mild and critical cases,” paliwanag ni Roque sa briefing nitong Martes.

“If the patients’ stay in tents is part of in-patient care, they should likewise be covered under the current in-patient Covid-19 package,” dagdag pa ni Roque.