NANINIWALA ang mga eksperto mula sa Germany at Netherlands na malaki ang naitutulong ng physical contact gaya ng pagyakap sa mental health ng isang indibidwal.
Ayon sa mga dalubhasa sa science, kahit ang maigsing pagyakap at kahit ang simpleng gentle touch o dampi, gaano man ito kabilis o kadalas, ay may magandang epektong naidudulot sa mental well-being ng tao, ano man ang kanyang edad.
Anila nakakatulong ang simpleng yakap para maibsan ang nararamdamang sakit, pagkabalisa, at depresyon.
Gayun din, malaki ang tulong sa kalusugan ng pag-iisip ang physical contact sa hayop.
Sa pananaliksik, sinabi ng mga researchers na mahalaga ang parental contact sa mga bagong silang na sanggol lalo na sa kanilang paglaki.
Dahil iminumungkahi ang pagkakaroon ng physical contact sa araw-araw na buhay dahil bukod sa simple lang itong gawin ay malaki ang maitutulong nito sa overall mental health, base na rin sa 200 case studies na isinagawa sa may 10,000 katao sa mga nakalipas na taon.