Maliit ba nota mo? Baka dahil sa polusyon ‘yan

Small banana

MALIIT ba ang pututoy mo?


Huwag mo nang sisihin ang lahi n’yo dahil may iba palang dahilan kung bakit “cute” lang at hindi “gwapo at matikas” si “jun-jun” mo.


Ayon sa isang kilalang epidemiologist at environmental scientist, lumiliit ang ari at kumokonti ang sperm count ng mga lalaki habang nawawala sa porma ang itsura ng ari ng kapwa lalaki at babae dahil sa polusyon.


Sinabi ni Dr Shanna Swan sa kanyang librong “Count Down” na nahaharap sa krisis ang lahi ng tao dahil sa phthalates, isang kemikal na ginagamit sa paggawa ng plastik na nakaapekto sa endocrine system.
Matatagpuan ang phthalates sa mga laruan, food packaging, sabong panlaba, makeup at sa marami pang produkto.


“Babies are now entering the world already contaminated with chemicals because of the substances they absorb in the womb,” ani Swan.


Nagsimula ang pananaliksik ni Swan sa mga daga kung saan nadiskubre na ang fetus na na-expose sa kemikal ay ipinanganak na maliit ang ari. Ganito rin ang naging resulta sa mga male human fetus na na-expose sa phthalates.


Ibinase rin ni Swan ang kanyang obserbasyon sa serye ng pag-aaral ng kanyang team.


Sa kanilang study noong 2017 ay lumabas na bumaba ng 50 porsyento ang sperm levels ng mga lalaki sa mga Western countries sa loob ng apat na dekada.


“In some parts of the world, the average twenty-something today is less fertile than her grandmother was at 35,” ani Swan. “The rapidly decreasing fertility rate means that most men will be unable to produce viable sperm by 2045.”