Mahabang oras sa trabaho nakamamatay –WHO

DAAN-DAANG libo katao ang namamatay kada taon dahil sa pagtatrabaho nang mahabang oras na pinalala pa ng pandemya, ayon sa World Health Organization.


Ayon sa journal na Environment International, umabot sa 745,000 katao ang namatay dahil sa stroke at atake sa puso bunsod ng mahabang oras sa pagtatrabaho noong 2016.


Mas mataas ito, ayon sa WHO, nang 30 porsyento kumpara noong 2000.


“Working 55 hours or more per week is a serious health hazard,” ani Maria Neira, director ng Department of Environment, Climate Change and Health ng WHO.


“What we want to do with this information is promote more action, more protection for workers,” ani Niera.


Base sa impormasyon, karamihan sa nasawi ay lalaki (72 porsyento) at mula sa Southeast Asia, kung saan kabilang ang Pilipinas, at Western Pacific region, kung saan kabilang naman ang China, Japan at Australia, ang apektado.


Naniniwala ang WHO na mas marami ang nanganganib na mapabilang sa listahan dahil sa Covid-19 pandemic.


“The pandemic is accelerating developments that could feed the trend towards increased working time,” dagdag ni Neira.