NAGBABALA ang Department of Health hinggil sa posibleng pagkalat ng monkeypox sa bansa.
Dahil dito, sinabi ng DOH na paiigtingin nito ang pag-screen sa mga borders ng bansa upang hindi makapasok ang viral disease na nagmumula sa mga hayop galing sa mga tropical rainforest areas ng Central at West Africa.
“DOH is intensifying border screening and ensuring that surveillance systems are actively monitoring the situation,” dagdag pa ng kagawaran matapos ma-detect na napasok na ng nasabing sakit ang ilang bansa Europe, Estados Unidos, United Kingdom at Canada.
Sa ngayon ay wala pang nadedetect na kaso ang DOH dito sa bansa.
Ilan sa mga sintomas ng monkeypox ay lagnat, rashes, swollen lymp nodes, na posibleng magresulta sa ilan pang medical implication.