LALAGPAS sa isang milyon ang kaso ng Covid-19 sa bansa bago magkatapusan ng buwan, ayon sa OCTA Research.
“Before the end of April, the Philippines is expected to have recorded more than 1,000,000 total COVID-19 cases,” ayon sa grupo.
Kaugnay nito, sinabi ng OCTA na sa Metro Manila pa rin ang bulto ng mga kaso, pero bumaba na ang bilang ng hawahan sa Manila, Parañaque, Marikina, Navotas, Pasay at Makati. Tumaas naman ito sa Mandaluyong, Las Piñas, at San Juan.
“The goal is for these LGUs to have low or negative one-week growth rates in new Covid-19 cases very soon,” dagdag ng grupo.
Samantala, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na inaasahan ng gobyerno na bababa ang mga kaso sa 4,000 kada araw hanggang sa Mayo 15.
Idinagdag ni Roque na batay sa plano ng pamahalaan, magdedeklara ng modified enhanced community quarantine (MECQ) pagkatapos ng isang linggong pinalawig na enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna.
Epektibo ang ECQ hanggang April 11 matapos itong magsimula noong Marso 29.
“And if we, in fact, implement the minimum health protocols and we intensify our prevention, detection, isolation, tracing initiatives, we expect the numbers to go down by around 4,000 a day by May 15. So that’s the model that we are pursuing ‘no – two weeks of ECQ and another week of MECQ,” ayon kay Roque. –WC
Photo from Rappler