Pinoy panalo ng P76M sa Dubai raffle

IPINAGDIWANG ng Pinoy machine operator sa Dubai ang kanyang ika-45 kaarawan nitong Biyernes nang isang ganap na milyonaryo.

Nagwagi kamakailan ang di-pinangalan na OFW ng AED5 million o P76 milyon sa Mahzooz grand weekly draw.

Ayon sa OFW, kinutuban siyang mananalo dahil kumati ang kanyang mga palad bago ang draw.

Todo-pasalamat naman siya sa Diyos sa “best gift” na natanggap niya sa kanyang kaaarawan.

Mayroong tatlong anak ang OFW, may edad 21, 19 at pito, na pawang nag-aaral.