Pinoy math genius nag-graduate sa MIT nang perfect ang grades

NAGTAPOS kamakailan sa Massachusetts Institute of Technology (MIT) sa US ang Pinoy math wizard na si Farrell Eldrian Wu na may perfect grade point average (GPA) na 5.


Masayang ibinalita ni Vice President Leni Robredo na natapos ni Wu ang mga kursong Computer Science and Engineering at Business Analytics, with a minor in economics.


Ayon kay Robredo, nasa elementary school pa lamang ay kinalala na niya si Wu dahil kapwa lumaban ang huli at anak niyang si Jillian sa mga international math competitions.


Ikinuwento rin ng bise presidente na noong mambabatas pa lamang siya ay nag-donate ng apat na tseke si Wu sa Jesse M. Robredo Foundation na noon ay nagpalatayo ng mga paaralan.


Ang pera ay kinita ni Wu, na noon ay 14-taong-gulang lamang, ay mula sa kanyang pagtu-tutor.


“So touching that he is donating his hard-earned money to the foundation,” ani Robredo.


Samantala, sinabi ni Wu na balak niyang magtrabaho sa isa sa pinakamalalaking financial tech companies para lalo pang mahasa ang kanyang financial at quantitative skills.