TINULUNGAN ng mga miyembro ng vaccination team ng Metropolitan Manila Development Authority sa pagpapaanak ang isang ginang sa Makati.
Alas-5:27 ng hapon nitong Lunes nang dumating ang isang tricycle driver sa vaccination facility ng MMDA at nanghihingi ng tulong dahil nagle-labor na aniya ang asawa niya.
Kaagad na rumesponde ang vaccination team at pagkaraan ng 14 minuto ay nagsilang ang ginang ng isang malusog na babaeng sanggol.
Matapos iyon ay agad na dinala ang mag-ina sa ospital.
Ayon sa mister, nagpunta sila sa lying-in clinic sa Brgy. Guadalupe pero tinanggihan sila dahil hindi pa raw operational ito.
Humingi rin sila ng tulong sa barangay pero sinabihan silang maghintay. –A. Mae Rodriguez