Nakapokus sa Covid, PGH ‘di muna tatanggap ng pasyente sa ER

PANSAMANTALANG hindi tatanggap ang Philippine General Hospital ng mga pasyente sa emergency room para mapagtuunan nito ng pansin ang mga dinadala doon na Covid-19 patients.


“Higit 100 na sa una naming itinakdang 230 na bilang ang kasalukuyang Covid-19 patients na naka-admit sa PGH, at karamihan sa mga ito ay nangangailangan ng intensive care, high-flow oxygen, at ventilators,” ayon sa PGH advisory.


“Malalagay lang sa peligro ang kapakanan ng mga pasyente, at pati na rin ng aming mga kawani, kung ito ay hahayaan naming madagdagan pa,” dagdag nito.


Kamakailan ay sinabi ng ospital na hindi na ito tatanggap ng mga non-Covid patients dahil sa dami ng inaalagaang may-Covid doon.