GOOD news sa mga public school teachers!
Alam ba ninyo na naka-linya na ang mga benepisyong inyong matatanggap para sa taong ito, base na rin sa budget na inaprubahan ng gobyerno.
Narito ang breakdown ng cash allowance at iba pang benepisyo na maaring matanggap ng mga guro ngayong taon kahit nasa gitna ng pandemya.
* P2,000 kada buwan sa ilalim ng Personal Economic Relief Allowance (PERA)
* P6,000 kada taon para sa uniform allowance
* P1,000 bilang World Teacher’s Day Incentive
* P5,000 kada taon sa ilalim ng Productivity Enhancement (PEI)
* P5,000 na cash gift kada taon
* P1,000 sa mga kwalipikadong guro para sa Loyalty Cash Incentive
* P5,000 cash allowance kada taon
* P3,000 transportation allowance kada buwan
* P5,000 kada taon para sa teaching aid allowance ng mga guro sa Alternative Learning System (ALS)
* P5,000 – P14,000 Representation Allowance and Transportation Allowance (RATA) depende sa posisyon ng guro
Makakatanggap din ng mid-year bonus kung saan katumbas ito ng isang buwang sahod ng mga guro. Nakatakda rin na matanggap ng mga guro ang year-end bonus sa Oktubre 31.
Bukod dito, may nakalaan ding Special Hardship Allowance (SHA) kada buwan na hindi bababa sa 25 porsyento ng kanilang annual basic salary at honoraria for Teaching Overload, 25 porsyento ng kanilang basic salary.
Para naman sa mga gurong mayroong tatlong taon na sa serbisyo, mayroon itong Step Increment Due to Length of Service, nakadepende ang matatanggap ng mga ito sa kanilang salary grade table.