NANANATILING nangunguna sa congressional race sa ikalawang distrito ng Parañaque si Rep. Brian Yamsuan laban sa pinakamalapit na katunggali nito na si Gus Tambunting, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations.
Ayon sa survey na isinagawa mula Abril 10 hanggang 14, nakakuha si Yamsuan ng 54 porsiyento voting preference sa Disrtict 2 ng Parañaque habang si Tambunting ay nakakuha lamang ng 31 porsyento.
Sinasabi na ang 23 porsyentong lamang ni Yamsuan ay katumbas ng inaasahang 50,000 boto.
Si Yamsuan din ang sinasabing No.1 choice ng mga botante sa lahat ng walong barangay sa ilalim ng ikalawang distrito.
Ayon sa tala, nakakuha si Yamsuan ng 52 porsyento sa Barangay BF Homes, habang 57 porysento naman sa San Martin de Porres, San Antonio (47%), Marcelo Green (68%), Don Bosco (45%), Sun Valley (58%), Merville (69%) at Moonwalk naman sa Marcelo Green; 45 percent sa Don Bosco; 58 percent sa Sun Valley; 69 percent sa Merville; at 53 percent sa Moonwalk.
Bilang independent candidate, tuloy-tuloy ang naging pag-angat ni Yamsuan sa survey.
Mula 38 porsyento noong Setyembre 2024 bago ang filing ng certificates of candidacy para sa halalan, umarangkada si Yamsuan sa 51porsyento noong Nobyembre at 54 porsyento naman ngayong Abril, habang pababa nang pababa ang suporta na nakuha ni Tambunting na mula 44 porsyento noong Setyembre, 38 porsyento noong Nobyembre, umabot na lang ito ngayon sa 31 porsyento.
Ang margin of error ay plus o minus 4 porsyento habang ang bilang ng mga respondent ay 600 na may edad 18 pataas at rehistradong botante ng ikalawang distrito ng lungsod.
Face-to-face ang ginamit na paraan ng survey na may kasamang visual guides.