NANINDIGAN si dating Senate President Tito Sotto na ang pagiging impartial lang ang daan para makakuha ng boto sa Mindanao na balwarte ng dating Pangulong Duterte at kanyang anak na si Vice President Sara Duterte.
Sa press conference sa Davao del Norte bago ang campaign rally sa bayan ng Carmen, sinabi ni Sotto na mananatili siyang walang kinikilingan pagdating sa isyung may kinalaman sa pag-impeach sa pangalawang pangulo.
Ayon kay Sotto pinakamainam na manatiling tahimik sa isyu ng impeachment.
“If you say that you will be in favor of Vice President Sara, you have no business in being in the Senate or the impeachment court. Mag-inhibit ka na lang,” ayon kay Sotto.
“Pag sinabi mo naman na ‘guilty ‘yan kahit anong mangyari.’ Again, the same thing so you just have to be impartial,” dagdag pa nito.
Ang mga senador ang tatayong judges sa impeachment trial ni Duterte na sinasabing magsisimula sa pagbubukas ng susunod na Kongreso.
Matatandaan na natalo si Sotto ni Duterte noong 2022 vice presidential race.lost to Duterte in the 2022 vice-presidential race.
Sotto nanindigan na hindi pro, hindi anti VP Sara
![](https://pinoypubliko.com/wp-content/uploads/2025/02/Screen-Shot-2025-02-16-at-10.41.49-735x400.png)