HINDI ilegal ang banatan o magsalita ng negatibo sa kanyang kalaban ang sinomang kandidato at kanyang mga supporters dahil naayon ito sa Omnibus Election Code, ayon mismo kay Commission on Elections (Comelec) chair George Garcia.
“The Omnibus Election Code itself allows negative campaigning,” ayon kay Garcia sa isang panayam.
Gayunman, winarningan ng opisyal ang mga kandidato na maging maingat sa kanilang mga binibitiwang salita kung hindi ay posibleng maharap sa libel o cyberlibel.
Sa Section 79 ng Omnibus Election Code, pinapayagan nito ang “election campaign” or “partisan political activity that refers to an act designed to promote the election or defeat of a particular candidate or candidates.”
Pasok dito ang “speeches, announcements or commentaries, or holding interviews for or against the election of any candidate for public office.”