PINASALAMATAN ni Senador Imee Marcos si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagkapanalo nang magsalita ito ngayong Sabado matapos opisyal na maiproklama bilang ika-12 senador na nahalal nitong May 12 elections.
Sa kanyang proclamation speech, hindi naman nito binanggit ang kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Si Imee ang unang ipinroklama ng Commission on Elections (Comelec) en banc na umuupong National Board of Canvassers dahil siya ang nasa huling pwesto na nakakuha ng 13,339,227 boto.
Ginawa ang proklamasyon alas-3 ng hapon sa Manila Hotel Tent City.
Kasama ni Imee ang kanyang mga anak at inang si dating First Lady Imelda Marcos.
Sa kanyang speech, sinabi rin ng senador na suot niya ang barong ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
“To my mother, who is now 96 years old, to my children who never doubted my victory, to former President Rodrigo Duterte, who raised my hand in October, and to his daughter, Vice President Inday Sara, who campaigned tirelessly for me until the very end, this victory is for all of you.
“Though it was difficult and hard-fought, it proves that if you stand for what is right, you will win,” anya.
Nang matanong bakit hindi nito binanggit ang kapatid sa kanyang talumpati, sinabi niyang “I just forgot.”