CHELdren magdiwang na kayo: Akbayan nanguna sa party-list race

GINULAT din ng Akbayan party-list ang publiko nang manguna ito sa partial and unofficial results ng 2025 elections as of past 9 p.m. ngayong Lunes.

Nakakuha ng 1,649,741 boto ang Akbayan, na ang first nominee ay ang human rights lawyer na Chel Diokno, na may 7.28 porsyento ng kabuuang party-list votes.

Pumangalawa naman ang Duterte Youth at Tingog sa ikatlo.

Narito ang ilan pang pasok sa party-list:

  1. Akbayan – 1,649,741 (7.28%)
  2. Duterte Youth – 1,244,584 (5.49%)
  3. Tingog – 900,679 (3.97%)
  4. 4Ps – 751,822 (3.32%)
  5. ACT-CIS – 705,648 (3.11%)
  6. Ako Bicol – 560,915 (2.47%)
  7. Solid North Party – 459,601 (2.03%)
  8. Uswag Ilonggo – 421,080 (1.86%)
  9. CIBAC – 350,946 (1.55%)
  10. Trabaho – 340,750 (1.50%)
  11. Senior Citizens – 329,239 (1.45%)
  12. Malasakit@Bayanihan – 314,076 (1.39%)