Walang Solid North? Hintayin natin halalan–BBM

MINALIIT ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga pahayag ng mga kalaban na nalusaw na ang tinatawag na “Solid North”.


“Kaya may phraseology na Solid North dahil naipakita na ‘yan. Tingnan na lang natin sa resulta. E ‘di kung talagang ganyan ay babalikan ko silang lahat, sasabihin ko ‘wag n’yo ko iwanan. So mabubuo pa rin namin ‘yung Solid North,” aniya sa isang panayam.


Ang ‘Solid North” ay ang suporta at loyalty ng mga botante mula sa hilagang Luzon sa pamilya Marcos.


Inamin ni Marcos na bahagyang nadurog ang “Solid North” noong napatalsik ang ama na si
Pangulong Ferdinand Marcos Sr. noong 1986.


“Nawala talaga ‘yan nung ’86 dahil wala kaming kandidato na national hanggang nung tumakbo ako as senator, nabuo ulit yun,” aniya.


“Yung sa vice presidential ko naman, ganoon din ang resulta kaya so far naman masasabi ko na ‘yung pinaghirapan ng aking ama na ibuo na ‘Solid North,’ kahit nawala ng lang taon, mukha namang nabubuo ulit,” dagdag pa ni Marcos.