KINUYOG ng kakampinks si Toni Gonzaga makaraan nitong sabihin na malapit nang umuwi sa kanyang dating tahanan ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Francis Baraan, isang human rights activist at social media personality, hindi pag-aari ng pamilya Marcos ang Malacañang.
“Let us educate you about Malacañang Palace. The Presidents who take up residence there are merely custodians of the property for the duration of their Presidency,” paliwanag ni Baraan.
“It is not the palace of the Marcoses. It is—& always will be—’the palace of the people’,” giit nito.
Tinawag din niya si Toni na “T.O.N.T.A.” dahil sa sinabi nito sa Festival Rally ng UniTeam nitong Lunes.
Sinang-ayunan naman ito ng kapwa niya VP Leni Robredo supporters.
“Toni G is not known for her brains.”
“Wala naman laman utak ng toni gonzaga na yan para bgyan mo ng pangaral di yan maabot ng utak nya.”
“Malacañang is the official residence of whoever is elected as the Ph president…It is not…and never was… the tahanan of the Marcoses.”
“Habang tumatagal…lumalala si Toni.”
“Wait, Malacañang palace is not someone’s house, it is owned by the Filipino people. Presidents live there as part of their duty. And babalik sa tahanan?? Girl, how dare you!?”
Matatandaan na ibinandera ni Toni na konting panahon na lang ay babalik na sa Palasyo si Marcos Jr.
“Mabuhay ang Cebu! Sa dami ng rally na ginawa ng UniTeam, talagang ang Cebu ang nagpatunay ngayong gabi! Masyado n’yong ginalingan, Cebu!” sabi ni Toni.
“Konting-konting na lang, magbabalik na si BBM sa kanyang tahanan, ang Malacanang!
Kasama na ang sambayanang Pilipino na naniniwala sa kanya,” dagdag ng actress-TV host.