PORMAL na iprinoklama bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas si Ferdinand Bongbong Marcos Jr. at ang kanyang running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte bilang Vice President.
Ang proklamasyon ay isinagawa sa Batasan Pambansa sa Quezon City matapos tuldakan ang canavassing ng mga boto para sa presidential at vice presidential race nang hindi na mag-object pa ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa lahat ng certificates of canvass na paborable kay Marcos.
Itinaas ang kamay nina President-elect Marcos at Vice President-elect Duterte-Carpio nina Senate President Tito Sotto at House Speaker Lord Alan Velasco.
Kasamang umakyat ng entablado ni Marcos ang asawang si Liza, anak na si Simon, inang si dating First Lady Imelda Marcos at mga kapatid na sina Imee at Irene.
Hindi naman nakadalo sa proklamasyon ni Duterte ang kanyang ama na si outgoing President Duterte.