Julia ibinahagi mga sulat ni Susan Roces

Shinare sa publiko ng aktres na si Julia Montes ang mga sulat na ibinigay sa kanya ng movie queen na si Susan Roces.Kalakip ng larawan ng sulat ay ang pasasalamat ng Kapamilya actress sa mga payo ni Susan noong nabubuhay pa ito at magkasama pa sila sa teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano.”

“One of the few handwritten letters from you … hinding – hindi ko po makakalimutan lahat ng kwento ninyo at advices sa buhay at sa buhay pag-ibig.❤️ mga magandang alala ninyo ni Sir Fpj na binabahagi ninyo bilang aral … mga kwento na ndi ko akalain bibiyayaan po ko ng pagkakataon na mapakinggan.”

“Isa sa di ko rin po makakalimutan pag sinasabi nyong pag may bunga na ang puno ng rambutan ninyo naaalala nyo ko … at yung pagkakataong binigyan nyo po ko ng CD na may kantang “Greatest Love of All” sabi ninyo sakin wag na wag kong kakalimutan ang kantang yan… ngaun lalong hinding hindi ko po yun makakalimutan.

“Wag po kayong magalala lahat po ng mga turo ninyo ay di mawawala sa aking puso at patuloy na gagawin…. salamat po sa masasayang alala at magagandang aral… mahal na mahal ka po namin … hanggang sa muli po!” ani Julia.