KUMBINSIDO si vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte na mananalo ang ka-tandem na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Mindanao.
Ito ay matapos ang kanilang kampanya sa Davao Region, na tahanan ng mahigit 3.2 milyong botante.
Iginiit ni Duterte na batay sa kanilang mga survey, si Marcos ay nakakuha na ng 70 hanggang 80 porsyento na preference ng mga botante sa Mindanao.
“We will try our best to deliver for Bongbong Marcos in Davao region and based on our survey, he is doing well and we can do more for him,” ayon sa alkalde.
Ang tandem nina Marcos at Duterte ng UniTeam ay patuloy na nangunguna sa mga pre-election survey para sa kani-kanilang mga posisyon.