Sara loyal kay Bongbong

NANINDIGAN si vice presidential aspirant Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na mananatili itong loyal kay Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ang sinabi niya matapos siyang bumoto Lunes ng umaga.

“Unang-una po, I will be a vice president na magtatrabaho para sa ating Pilipinas, ‘yan po ang kampanya natin sa lahat, we seek out the support of all Filipinos in campaigning na maging matapat tayo sa ating komunidad, sa ating bayan, sa ating lungsod,” aniya ng alkalde.

“And of course, we will be a supportive and loyal vice president to Apo BBM in the event he wins,” dagdag pa niya.

Handa naman si Duterte-Carpio na makatrabaho ang hindi nito kakampi.

“Kung hindi tayo mabigyan ng Cabinet position, we already prepared peace building activities and activities for child protection particularly sa pagkampanya sa ating mga eskwelahan sa ating mga kabataan,” sinabi niya.