UMAMIN si vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte na bahagi rin siya ng lesbian, gay, bisexual, transsexual (LGBT) community.
Kwento niya sa grupong LGBT Pilipinas nang nakaharap niya ang mga ito sa Quezon City, sa panahon na gusto niyang maging lalaki ay pinaiiklian niya ang kanyang buhok.
“Sabi niya, ‘Hindi, mahal ka namin dahil mahal mo ang LGBT.’ Sabi ko naman sa kanya, paanong hindi ko ba mamahalin ang LGBT e LGBT din ako?’” ani Duterte.
“Sa gender stereotyping, ang sinasabi nila ang lalaki maikli ang buhok, ang babae mahaba ang buhok. Kaya po minsan nakikita ninyo maikli ang buhok ko; gusto ko po maging lalaki nyan. Pag ayaw ko na po maging lalaki, pinapahaba ko po ang aking buhok,” dagdag ng alkalde.
Gayunman, hindi umano siya attracted sa kabarong babae.
“So in-explain nya sa akin. Sabi nya ang sexual orientation mo ay babae, ang gender expression mo ay lalaki,” anya pa.
“Kaya wag po kayong magtaka, paminsan-minsan mawawala yung buhok ko dahil, pag-short hair sinasabi nila lalaki ako. Pag gusto naman magmukhang babae, pinapahaba ko ang buhok ko,” dagdag pa ni Duterte.