HINDI pabor si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa term-sharing agreement para sa pinakamataas na posisyon sa bansa.
Ayon kay Hugpong ng Pagbabago secretary-general Anthony Del Rosario, “bad idea” umano ang isinusulong na idea.
“I don’t see that happening. That’s pure speculation. I don’t think Sara will agree to that kind of a set-up. Term sharing for presidency? That’s a very bad idea,” ani Del Rosario.
Dagdag pa niya, hindi sapat ang anim na taon para magawa ng isang pangulo ang mga proyekto nito para sa bansa.
“Kung tatanungin niya ako, huwag na lang siyang tumakbo ng Presidente (kung may term-sharing),”ayon kay Del Rosario.
Nitong Huwebes, sinabi ni Lakas-CMD co-chairman at Quezon Governor Danilo Suarez na maaaring magkaroon ng term-sharing sina Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Duterte-Carpio.
“They can have a term-sharing agreement. One will lead for 3 years then give way to the vice president. So, one will give up the position after 3 years,” ani Suarez.