MAHIGIT kalahati ng mga botante sa unang distrito ng Ilocos Norte ay suportado ang kandidatura sa pagkakongresista ni Sandro Marcos, anak ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong’ Marcos Jr.
Sa pinakahuling resulta ng survey ng RP-Mission and Development Foundation (RPMD), nakakuha si Sandro ng 62 porsyentong voter preference.
Isinigawa ang survey mula April 17-21.
Mas mataas ng siyam na puntos ang nakuha ni Sandro kumpara sa resulta ng survey na isinagawa ng RPMD noong Abril 3-8.
Nakapagtala lamang ng 36 porsyentong voter preference ang pumapangalawang si Ria Fariñas, ang kasalukuyang kinatawan ng unang distrito ng lalawigan.