INENDORSO ng mga lokal na opisyal ng lalawigan ng Agusan del Sur ang kandidatura nina presidential candidate Leni Robredo at vice presidential aspirant Davao City Mayor Sara Duterte.
Ang tandem mula sa magkalabang partido ay isinusulong ng mga kandidato ng National Unity Party candidates na sina Second District Rep. Adolph Edward Plaza, First District Rep. Alfel Bascug, Gov. Santiago Cane, Jr. at Vice Gov. Samuel Tortor.
Collegial at unanimous ang desisyon ng NUP sa probinsiya, ayon kay Cane.