SUNOD-SUNOD ang mga pasaring ni actor Romnick Sarmenta sa kaibigan at dating kasama sa youth-oriented show na That’s Entertainment noong early 1990s na si Manila Mayor Isko Moreno kaugnay sa mga banat nito sa katunggaling presidential candidate na si Vice President Leni Robredo.
Sa una niyang tweet, sinabi ni Romnick na, “Kaibigan ang turing ko sa iyo. Ikinampanya kita noon, sa mas mababang posisyon dahil naniniwala ako sa mga pinaninindigan mo dati.”
“Pwede kang magalit o magtampo sa akin. Pero ang mga sinabi ko kelan lang ay dala ng malasakit at di galit,” dagdag niya.
“Sana’y mag-isip ka. Di pa huli,” payo niya kay Isko.
Sa ikalawang tweet ay pinaalahanan niya ang kaibigan na itigil ang pagsisinungaling.
“One of the commandments says: You shall not bear false witness against your neighbour.
Ingat po sa pagkakalat ng kasinungalingan. Sa inyo lang ang bagsak n’yan,” sabi ni Romnick.
Sa kanyang pinakahuling tweet, pinayunan niya si Isko na suriin ang sarili.
“Your greatest enemy, isn’t another person, but EGO. You create your own truth because of it. You make your own noise because of it. You destroy yourself because of it,” paliwanag niya.
“Ego is the greatest enemy of humility. Humility is a virtue. Practice virtues, don’t feed ego,” hirit pa ng aktor.
Aminado si Romnick na isa siyang supporter ni Robredo.