HINDI nawawalan ng pag-asa si presidential aspirant Vice President Leni Robredo na tataas pa ang mga numero niya sa survey ngayong Marso.
Ito ay matapos lumabas kamakailang ang pinakahuling survey ng Pulse Asia kung saan higit na malaki ang lamang ng frontliner na si dating Senador Bongbong Marcos Jr.,
“Gaya noong laban ko noong 2016, I started at 2 percent… Naramdaman lang ‘yung bump ko in 2016, late March. So, ang expectation namin ganoon pa din until now,” ayon kay Robredo.
“Expected naman na wala pang bump kasi kauumpisa pa lang ng official campaign period,” dagdag pa niya.
Nanalo si Robredo sa pagka-bise presidente ng humigit-kumulang 260,000 boto laban kay Marcos, ang kanyang pinakamalapit na karibal noon.
Sinabi ni Pulse Asia Research Director Ana Maria Tabunda na maaaring maisara pa rin ni Robredo ang gap niya kay Marcos Jr.
“Theoretically, kaya pero mahirap. But realistically mahirap. Hindi sinabing imposible,” ani Tabunda.