INARESTO ng pulisya ang delivery rider na umano’y nagbanta sa social media na papatayin ang presidential candidate na si dating Senador Bongbong Marcos, sa Quezon City.
Sa report ng Quezon City Police, nasa kustodiya na nila ang suspek na si Michael Go, 49, delivery rider.
Nagsampa ng reklamo ang kampo ni Marcos laban kay Go dahil sa Twitter post nito na naglalahad ng: “I was blocked by Marcos, Jr. Pakisabi mag-ingat siya sa Tandang Sora QC. ‘Pag dumaan siya dun babarilin ko siya di ako takot makulong. Hindi rin ako takot mamatay. Isang malaking karangalan ipaghiganti mga kasama ko aktibista biktima ng martial law.”
Mariin namang itinanggi ni Go na sa kanya ang nasabing tweet. Anya wala siyang Twitter account at ang Facebook account niya ay hindi Michael Go ang nakalagay kundi kabaliktaran ng pangalan niya.
“Hindi po aking account iyan kasi wala po akong Twitter account at yung FB account ko naman po ay hindi Michael Go kundi binaliktad kong pangalan na Leahcim Og,” pahayag ni Go.
Nakadetine ngayon si Marcos sa QCPD-Anti-Cybercrime Unit habang nahaharap sa kasong grave threat.