REMULLA NAMIGAY NG PERA SA KAMPANYA NG UNITEAM; ‘BBM WAS NOT MENTIONED’

TODO-DEPENSA si Cavite Governor Jonvic Remulla sa ginawang pamimigay ng pera sa Uniteam campaign rally nina Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte-Carpio nitong Martes sa Dasmarinas.


“BBM was not mentioned. Wala ‘yon. It’s only me. If you noticed, it’s only me on stage and we’re not candidates yet. We checked the rules, it’s still allowed as long as the candidates aren’t there,” giit ni Remulla.


Ayon sa ulat, nagdaos kasi ng “talent showdown” ang gobernador habang hinihintay nila ang pagdating nina Marcos at Duterte-Carpio sa San Juan covered court.


Sa singing showdown, nagbigay si Remulla ng P5,000 sa dalawang contestant at P2,000 sa isa pa habang sa dance showdown ng mga bading, P5,000 ang premyo sa winner at P2,000 at P1,000 sa mga runners-up.


Noong nakaraang buwan, inulan ng batikos ang kapatid ni Remulla na si Cavite Rep. Boying Remulla makaraang sabihin na binayaran ng P500 ang mga taong pumunta sa campaign rally ni Vice President Leni Robredo sa General Trias.