IBINUNYAG ni Cavite 7th District Rep. Boying Remulla na binayaran diumano ng P500 ang mga dumalo sa campaign rally ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo sa General Trias nitong Biyernes.
“Sa siyudad ng Cavite, may politiko na nagbabayad ng limang daan sa bawat aattend. Tapos may jeep, tapos meron silang staging area, may t-shirt, may uniporme, kumpleto. Kaya alam mo na hindi indigenous kasi naka-uniporme. Hinahakot eh,” sinabi ni Remulla sa isang panayam sa dzRH.
“Kagabi (Biyernes) ginastusan nila ‘yun, siguro mahina-hina ‘yung mga anim hanggang walong milyon. Kasi nga desperado na. Kasi ang survey sa Cavite, 64-15,” dagdag pa niya.
Trending sa social media ang naging rally ng magkatandem na Robredo at Kiko Pangilinan nitong Biyernes matapos daluhan ito ng halos 50,000 katao. Lumikha ng ingay ang #800KminusOne sa Twitter na ang pinatutungkulan ay ang naunang pahayag ni Cavite Governor Jonvic Remulla na nagpapangako ng 800,000 boto para kay presidential candidate Bongbong Marcos Jr.