#PULSOngPUBLIKO: Unused campaign funds ibigay sa taumbayan

DAPAT ipagkawanggawa ng sinomang politiko ang campaign funds na hindi naubos, imbes na ito ay ibulsa o isauli sa nagbigay.

Ito ang naging tugon ng karamihan sa isinagawang poll ng PINOY PUBLIKO sa Facabeook page nito kamakalawa.

Sa tanong na kung anong dapat gawin sa sobrang campaign funds, mayorya sa tumugon dito ang nagsabi na ibigay ito sa kawanggawa, habang sabi naman ng ilan ay isauli ito habang mangilan-ngilan ang nagsabi na dapat itong ibulsa o itago nang binigyan ng pondo.

Matatandaan na tinutuligsa si presidential candidate Manila Mayor Isko Moreno dahil sa hindi nito pagsauli sa sobrang P15 milyong campaign funds na hindi nagastos noong nakaraang eleksyon.

Paliwanag naman ni Moreno, itinabi niya ito subalit nagbayad naman siya ng karampatang buwis para rito.