INANUNSYO ni presidential candidate at Senador Panfilo Lacson na pormal na niyang lilisanin ang Partido Reporma. Gayunman, sinabi ni Lacson na hindi siya aatras bagamat magiging independent candidate na lamang siya.
“Today, I officially announce my resignation as chairman and member of Partido ng Demokratikong Reporma, which effectively makes me an independent candidate,” ayon kay Lacson.
Umalis si Lacson sa partido matapos sabihin ni Partido Reporma president at dating Speaker Pantaleon Alvarez na iba ang susuportahan nitong presidential candidate sa Davao del Norte.