ISANG mataas na opisyal ng ruling party na PDP-Laban ang naniniwala na si Vice President Leni Robredo ang tinutukoy ni Pangulong Duterte sa mga kwalipikasyon na binanggit nito kamakailan.
Ayon kay Eastern Samar Governor Ben Evardone, vice president for Visayas ng PDP-Laban, isang endorsement na maituturing ang mga pahayag ni Pangulong Duterte nitong Sabado ng gabi.
“For me and for millions of Filipinos, there is only one decisive and compassionate lawyer among those aspiring to be president and she is VP Leni,” ayon kay Evardone sa isang kalatas.
“She’s the only one who can hurdle President Duterte’s standard for his successor,” dagdag pa nito.
Kinilala rin ni Evardone ang mga nagawang pro-poor programs ni Robredo sa Eastern Samar.
“We will need a president who is determined and forceful in addressing these issues but at the same time one who has compassion for all affected sectors, especially the poor. It’s VP Leni who fits the bill,” anya pa.